Siyam na entry mula sa Pilipinas ang nakapasok sa prestihiyosong listahan ng Forbes “30 Under 30 Asia” ngayong taon.
Kinikilala ng taunang listahan ang mga batang negosyante, pinuno at mga innovator sa buong rehiyon ng Asia-Pacific na nagpapakita ng natatanging galing at nagpapabago sa takbo ng kani-kanilang industriya.
Pinili ang mga pinarangalan mula sa halos 4,000 kandidato.
Sinuri sila ng Forbes Asia team at ng isang panel ng mga hurado batay sa mga pamantayan gaya ng pondo at kita, epekto sa lipunan at industriya, product-market fit, pagiging malikhain at potensiyal sa hinaharap.
Narito ang mga pambato ng Pilipinas, kung saan ang cofounders sa iisang kompanya ay nakalista bilang isang entry:
* Raphael Sevilla at Brandon Angelo Wong – cofounders ng BayaniChain Tech
* Alexandra Eala – sikat na manlalaro ng tennis
* Zack Tabudlo – kilalang singer-songwriter
* Kharl Christian Yeung – cofounder ng Amico Innovations
* Pauline Dizon at Adrian Jumangit – cofounders ng Fan Connection SEA
* Kiyanusch Braun at Martin Joaquin Palaña – cofounders ng GoRocky
* Emmanuel Mirus Ponon – founder ng ASEAN Youth Advocates Network
* Steph Naval – founder ng Empath
* Saje Miguel Molato – founder ng Siklab
Ayon kay Rana Wehbe Watson, ang editorial director ng Forbes Asia, binibigyang-diin ng ika-11 edisyon ng listahan ang bagong henerasyon ng mga kabataan sa Asia Pacific na patuloy na nagpapasimula ng mga pagbabago sa gitna ng panahong binabago na ng artificial intelligence ang pang-araw-araw na pamumuhay.
Samantala, nanguna ang India sa may pinakamaraming kinatawan ngayong taon na 78 entry, na sinundan ng China (46), Australia (38) at Japan (32). (IS)
May tig-18 entry naman ang Indonesia, Singapore at South Korea.
Trending
- Kai Sotto at Rere Madrid ikinasal na
- Boston head coach Joe Mazzulla tinanghal bilang 2025-26 NBA Coach of the Year
- Aktor na may bad breath, binuko ni Beauty
- Chard, may pa-flowers kay Barbie
- Edu at GF, nagbakasyon grande sa Rome
- Kagawad binaril-patay sa barangay hall
- Drug lab nadiskubre sa liblib na isla sa OccMin
- Six-wheeler truck tumaob: 5 patay, 22 sugatan
