Umabot sa 81 bahay ang ipinagiba ni Ormoc City Mayor Lucy Torres-Gomez kahit may mga titulong hawak ang mga may-ari at hindi pa tapos ang usapin sa korte.
Sa isang post sa FB, ipinakita ang mga na-demolish na bahay na ang iba umano maituturing nang ancestral homes.
“81 homes were demolished sa Ormoc City, but some of the homeowners claimed na they have a land title proving that they own the land,” ayon sa post.
Ang mga homeowners umano ay nagbabayad ng amilyar sa loob ng mga nagdaang taon subali’t nitong Pebrero ay hindi na tinanggap ang kanilang mga buwis at nakakuha na sila ng notice na umalis dahil gagamitin ng gobyerno ang lupa.
Ang lupa umano ay gagamitin ng city government para sa P20M civic center.
Nagpasaklolo umano sa korte ang mga apektadong homeowners pero kahit hindi pa tapos ang usapin ay dinimolis na ang mga bahay.
“Pati ancestral house nila. Wala pa ring statement si Mayor Lucy about this. Kahit may crisis na’t lahat lahat,” ayon pa sa nag-post.
Inalok din umano ng P10K kabayaran ang mga homeowners na kusang aalis at nang walang pumayag ay ginawa itong P24K kasama ang isang temporary relocation na lupa na mapagtitirikan nila ng bagong bahay.
Wala pang umanong pahayag ang kampo ni Mayor Lucy.
Sa comments section sa FB, mababasa ang ngitngit ng taumbayan kay Mayor Lucy pati sa asawa nitong si Cong. Richard Gomez.
Trending
- PERSIAN GULF, GULF OF OMAN DAMAY NA RIN
- Security adviser: Año”out”;Oban”in”
- MAYWEATHER-PACQUIAO II: REAL PROFESSIONAL BOUT
- Mayweather takot makatikim ng talo
- San Beda aalisin sa NCCA at lilipat UAAP – ‘Tsismis lang!’
- Juday, Ryan never nag-away sa pagpapalaki sa mga anak
- Heart Evangelista magbubukas ng sosyal na ukay-ukay
- Hermes bag ni Carla Abellana pang-tuition fee ng magiging anak

