NASA 674 police bodyguards ang binawi ng Philippine National Police (PNP) bilang bahagi ng paghahanda sa nalalapit halalan.

Ayon kay PNP Spokesperson at PRO3 RD Police Brigadier General Jean Fajardo, base sa datos na ibinigay ng Police Security and Protection Group nitong Enero 12, nasa 674 protective security personnel na ang binawi.

Dahil dito, 197 kandidato ang nawalan ng police escorts kabilang ang tumatakbo sa pagka-gobernador, alkalde, konsehal at iba pa.

Samantala, 45 protective personnel na nagbabantay sa mga opisyal ng gobyerno at 228 sa mga pribadong indibidwal ang binawi rin ng PNP.

Ani Fajardo, pwede namang mag-request ng police escort ang sinumang may banta sa kanilang buhay.

Share.