Umabot na sa anim na indibidwal ang nasugatan sa panig ng demolition team sa nangyayaring demolisyon sa bahagi ng Barangay Palingon, Taguig City, batay sa datos ng Wawa Rescue Team.
Ayon kay Julius Añonuevo, ang Chief of Police ng Taguig City Police, nagpapatuloy ang demolisyon na isinasagawa ng mga awtoridad nitong Lunes, Abril 13.
Nagkaroon umano ng resistance ang mga residente sa lugar at ipinagpatuloy ang pambabato sa demolition team.
Dagdag pa ni Añonuevo, taon na umano kasi silang kinakausap ngunit ayaw pa rin nilang umalis kahit nabayaran na umano ng may-ari ng lupa.
Hindi pa kinumpirma ni Añonuevo kung mayroong sugatan sa kanilang mga ka-baro habang inaalam pa rin nila kung mayroong sugatan sa mga residente.
Samantala, nanawagan naman ang residenteng nagpakilalang si alyas Nancy sa local government unit (LGU) ng Taguig City.
Ayon sa kanya, isang usap lang sana kay Mayor Lani Cayetano para hindi na lumala ang nangyayaring batuhan sa lugar.
Sa ngayon, pinasok na ng SWAT ang lugar at nakaalalay pa rin ang nasa 300 pulisya para magbantay at matiyak ang kaligtasan ng bawat isa.
Trending
- BARANGAY, SK ELECTION: ILILIBAN ULI
- STRAIT OF HORMUZ : STILL RESTRICTED
- SUPER BIGTIME ROLLBACK : DIESEL –P26/L
- Pinas, magho-host ng 2026 Asia and Oceania Sambo Championships sa Hunyo
- Alex Eala, handa na para sa Madrid Open WTA 1000
- Enchong Dee ibinunyag masamang karanasan sa Air France
- Charlie Puth magko-concert sa ‘Pinas
- Britney Spears nagpa-rehab dahil sa alak, droga
