Arestado ang anim na miyembro ng grupong sangkot sa rent tangay at iba pang modus ng pang-ho-holdap sa Mabini St. Maypajo, Caloocan City Biyernes ng umaga.
Nangyari ang nasabing operasyon sa isinagawang intel driven operation kung saan lolooban sana ng nasabing grupo ang isang bahay ng vlogger.
Nang makita ng grupo ang pulisya ay bumunot ng baril ang isa sa mga suspek at dito na pinaputukan ng pulis ang suspek na nagtamo ng sugat sa kaniyang kanang paa na napag-alaman na isang dismissed na pulis.
Aktwal na nahuli sa lugar ang limang indibidwal na kinabibilangan ng nasabing isang dismissed na pulis at isang babae na sangkot sa isa pang nakawan ang Birthday Cake Modus Quezon City.
Habang ang isa pang suspek na siyang team leader ng grupo na siyang nag-mo-monitor ay nahuli sa kabilang barangay.
Narekober sa kanila ang dalawang baril, mga ID at dalawang sasakyan na pinaniniwalaang sangkot sa rent tangay dahil sa nakatapal nitong papel sa kanyang plaka.
Nahaharap ang nasabing mga suspek sa frustrated robbery, Anti-carnaping Law at Comprehensive Ammunition and Regulation Act.
Ayon kay HPG Spokesperson PLt. Nadame Malang, isang buwan na nilang minamanmanan ang nasabing grupo.
Ayon pa sa kaniya, tinitingnan na rin nila ang pagkakasangkot ng nasabing grupo sa iba pang insidente sa Region 4A at Region 3.

Share.
Exit mobile version