Nasawi ang limang tauhan ng Philippine National Police (PNP) nang ma-ambush sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur nitong Sabado ng gabi, Marso 28.
Kinilala ang mga nasawi na sina Patrolmen Kenneth Perocho, Al-Fatah Marohom, Amil Bangsa, Arsenal Sivih at Sayed Ridwan ay mga kasapi ng 2nd Provincial Mobile Force Company ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office.
Sugatan sa naturang ambush ang kanilang mga kasamang sina Lt. Alfred Gregory, Staff Sgt. Adam Kamarudin Kansi at Patrolman Abubakar Lauban na agad namang naisugod ng mga emergency responders sa Bangsamoro Regional Hospital na hindi kalayuan sa kung saan naganap ang naturang pananambang.
Sa ulat ng local executives at ng mga officials ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office, galing ang mga biktima sa nighttime duty sa sentro ng Shariff Aguak at pabalik na, sakay ng isang patrol vehicle, sa Camp Datu Akilan, ang command base ng Maguindanao del Sur police force, ng ma-ambush ng mga kalalakihang armado ng assault rifles.
Sinabi rin ni PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na inatake ng hindi pa nakikilalang mga armadong salarin ang mga miyembro ng 2nd Provincial Mobile Force Company habang pabalik sa kanilang detachment mula sa patrol at police visibility operations.
“This heinous act is a direct assault on law enforcement and a threat to peace and order. The Philippine National Police has launched intensified hot pursuit operations, in coordination with the Armed Forces of the Philippines, to ensure the swift identification and arrest of the perpetrators,” ani Nartatez.
“We assure the public that all necessary measures are being undertaken to bring those responsible to justice,” dagdag niya.
Nagpaabot din ng pakikiramay ang PNP sa pamilya ng mga nasawing pulis.
“Their bravery and sacrifice will never be forgotten. We will not waver. This attack will not go unanswered. Justice will be swift, certain, and uncompromising,” pagtatapos ng PNP chief.
Pangatlo na ang ambush nitong gabi ng Sabado sa highway na nag-uugnay sa sentro ng Shariff Aguak at Maguindanao provincial police camp mula pa noong 2018. May mga casualties din na mga pulis sa dalawang mga magkatulad na insidente sa naturang highway, noong January 1, 2018 at June 15, 2023.
Ang mayor mismo ng Shariff Aguak, si Akmad Baganian Ampatuan, Sr., naging biktima rin ng katulad na pananambang mahigit dalawang buwan pa lang ang nakakalipas. Sakay siya ng isang bullet proof na sports utility vehicle na tinira ng B40 anti-tank rocket ng isa sa tatlong mga lalaking nakaabang sa kanto ng mataong kalye sa sentro ng naturan bayan.
Bahagyang na-damage ng sasakyan ng mayor na tinamaan ng anti-tank rocket. Nakaligtas si Mayor Ampatuan sa naturang rocket attack na nagsanhi ng mga hindi maselang galos sa katawan ng kanyang dalawang mga kasama.
Trending
- Vice Ganda : It’s Showtime “nganga”
- 3 Krus ni Juan : P60.69 /dollar; diesel P122/ liter; stocks, lugmok
- TRUMP :PEACE DEAL SOON!
- Phoemela Baranda buntis @ 40
- Kathryn Bernardo magkakaroon ng wax figure sa HK
- Kim Chiu bet ang gwapo, matapang, ‘di korap na politiko
- Rabiya at Jake Cuenca magka-date sa b-day party ni Sienna Stevens
- Miss Grand Thailand candidate natanggal pustiso habang nagpapakilala

