Nasawi ang limang katao, dalawa ang sugatan, at anim pa ang patuloy na pinaghahanap matapos ang landslide na naganap sa Barangay Ngingir, bayan ng Calanogas, Lanao del Sur, Biyernes ng madaling-araw, Hulyo 10.
Batay sa paunang imbestigasyon, pinaniniwalaang dulot ng tuloy-tuloy na malakas na pag-ulan ang pagguho ng malaking bahagi ng lupa na tumabon sa mga biktima.
Agad namang nagsagawa ng search, rescue, at retrieval operations ang Calanogas Municipal Police Station katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Bureau of Fire Protection (BFP), lokal na pamahalaan, mga opisyal ng barangay, at mga volunteer rescuers upang mahanap ang mga nawawala.
Sa pinakahuling ulat, nananatiling lima ang bilang ng mga nasawi, dalawa ang nasugatan, at anim pa ang hindi pa natatagpuan.
Kabilang sa mga iniulat na nawawala sina Mujahid Abdulmajid, Mobairah Abdulrashid, Norhasan Abdulrashid, Lilikan Arab, Norlin Ali, at Norhanima Ali.
Patuloy ang operasyon ng mga awtoridad sa lugar habang nananatiling nakaalerto ang mga residente dahil sa posibilidad ng panibagong pagguho ng lupa bunsod ng patuloy na pag-ulan.
Trending
- Alex Eala haharapin ang tagahanga sa July 15
- Ateneo itinangging empleyado si Baldwin
- “SIGABO” SINITA NG MTRCB
- Kasal ni Ellen kay Derek, malapit nang ma-annul
- Juday gaganap bilang si Nora Aunor
- Komunikasyon palalakasin sa website ng CBCP
- Higit 70 baboy sa Baguio nagpositibo sa ASF
- Inisyatiba sa civil registration pinalawig
