Patuloy na mararamdaman sa maraming lugar sa bansa ang mainit na panahon ngayong Lunes, Abril 13, ayon sa PAGASA.
Batay sa heat index forecast ng PAGASA, aabot sa 42°C ang pinakamataas na heat index na mararanasan sa Cotabato City.
Mararamdaman naman ang 41°C heat index sa Cavite City; Coron, Palawan; Dumangas, Iloilo; Borongan, Eastern Samar; at Zamboanga City.
Samantala, 40°C naman sa Pasay City; Aparri, Cagayan; Tuguegarao, Cagayan; San Ildefonso, Bulacan; at Tanauan, Batangas.

Share.
Exit mobile version