Apat na lugar sa bansa ang makakaranas ng 42°C heat index ngayong Sabado, Abril 18, ayon sa PAGASA.
Batay sa forecast ng PAGASA, mararamdaman ang init sa katawan na 42°C sa Pasay City, Metro Manila.
Gayundin umano sa Cavite City, Cavite; Cotabato City, Maguindanao; at Butuan City, Maguindanao del Norte.
Ang heat index na nasa pagitan ng 42°C hanggang 51°C ay nasa kategoryang ‘danger’ na mapanganib sa kalusugan na posibleng magdulot ng heat cramp, heat stress, at heat exhaustion, ayon sa PAGASA.

Share.
Exit mobile version