Nasawi ang apat katao at 29 ang sugatan nang tumaob at bumagsak sa gilid ang trak na kanilang sinasakyan sa isang bahagi ng highway sa Barangay San Mateo sa Aleosan, Cotabato noong Sabado ng hapon, Abril 4.
Sa report, mga residente ang mga biktima ng Barangay Batulawan sa bayan ng Malidegao na karamihan Moro sa Special Geographic Area sa probinsya ng Cotabato.
Ayon sa ulat, nawalan ng kontrol sa manibela ang drayber ng Isuzu Elf truck na sinasakyan ng mga biktima nang tangkaing iwasan ang isang motorsiklo na lumihis mula sa kabilang linya ng highway, na naging sanhi ng aksidente.
Ayon sa mga saksi, nabangga ng trak ang isang multicab mula sa kabilang direksyon ng highway bago ito nabaligtad.
Nag-iwan ang aksidente ng apat nasawing indibidwal na sakay ng trak, na sinasabing papunta sa isang beach resort malapit sa Cotabato City.
Ayon sa mga lokal na ehekutibo sa Aleosan, isa sa 17 bayan sa probinsya ng Cotabato, at mga opisyal ng kanilang municipal police force, 29 na iba pang sakay ng trak ang nasugatan sa aksidente sa kalsada.
Trending
- Heat index matinding matindi sa 2 lugar
- 30 points ni LeBron nasayang vs Mavs
- Mark Magsayo wagi via TKO kontra Irish foe
- Mark at Nicole, magdyowa pa rin
- Maine at Arjo, ‘di hiwalay
- Bea Alonzo nagdadalang tao kaya minadali ang pagpapakasal?
- OVP, nagpatupad ng flexible work setup sa gitna ng fuel crisis
- Serbisyong pangkalusugan ng DOH, hatid sa OFWs
