Inaresto ang apat katao ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) nang makumpikashan  ng nagkakahalaga ng P102.5 million pekeng gamot laban sa cancer sa isinagawang entrapment operation sa Makati City, Biyernes ng umaga.
Kinilala mga naaresto sa mga alais Lucia, Alias Maria, Alias Dina at alias Usman.
Sa report, isinagagawa ang entrapment operation 10:30 ng umaga ng mga elemento ng CIDG Anti- Fraud and Commercial Crime Unit (AFCCU) sa isang hotel sa Makati City, batay sa reklamo ng  isang drug company sa Singapore sa pagbebenta ng mga pekeng gamot na Keytruda (pembrolizumab) 100 mga/4 ml sa halagang P7,500.00 hanggang P12,500.00 per vial na mas mababa sa tunay na presyo nito mula sa P135,000.00 hanggang P250,000.00 per vial.
Inaresto ng mga operetiba ang 4 na suspek nang  mabigong magpakita ng mga kaukulang mga dokumento o permit sa pagbebenta ng mga nasabing gamot.
Nasamsam ng mga operatiba sa mga suspek ang may  400 vial na pekeng gamot na nagkakahalaga ng P102,577,500.00
Kinumpirma naman ng mga representative  mula  drug company na ang mga nasamsam na 400 vial ng keytruda pawang mga pekeng gamot.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 8293 (Intellectual Property Code of the Philippines), Republic Act No. 8203 (Special Law on Counterfeit Drugs), at Republic Act No. 9711 (Food and Drug Administration Act of 2009).

Share.