Sa patuloy na anti-criminality operations ng Bulacan PNP ay tatlong drug suspect at apat na wanted person ang naaresto sa lalawigan hanggang kahapon.
Sa ulat na ipinadala kay PColonel Satur L Ediong, provincial director ng Bulacan PPO, nagsagawa ng magkahiwalay na buy bust operation ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Baliwag at Bulacan Provincial Intelligence Unit na humantong sa pagkaakaaresto sa tatlong drug peddler.
Nakumpiska sa mga operasyon ang kabuuang limang plastic sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang presyo ng droga na Php 78,264.00 at buy-bust money.
Dinala sa Bulacan Provincial Forensic Unit (PFU) ang mga nakumpiskang ebidensiya para sa kaukulang pagsusuri habang ang reklamong kriminal para sa mga paglabag sa R.A. 9165 laban sa mga suspek ay inihahanda na para sa pagsasampa sa korte.
Sa kabilang banda, iba’t ibang manhunt operations na isinagawa ng tracker teams ng Bulakan, San Jose del Monte, Meycauayan, at Obando C/MPS ang nagresulta sa pagkakaaresto sa anim na wanted na indibidwal sa bisa ng Warrants of Arrest para sa robbery, estafa, violation. ng R.A. 9003 at paglabag sa R.A. 11332.
Ang mga naarestong akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng arresting unit/station para sa tamang disposisyon.(Dell Gravador)