Sugatan ang tatlong pasahero nang magbanggaan ang dalawang sasakyang pandagat sa karagatan ng Zamboanga City.
Sa kumpirmasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) alas 6 ng hapon nitong April 10, 2026 nang mangyari ang insidente na kinasasangkutan ng passenger vessel na MV SUG Adventure at Isang motorbanca.
Ayon sa PCG, dahil sa aberya sa carburetor kaya nawalan ng kontrol ang motorbanca na nagresulta sa biglaang pagbilis ng motorbanca.
Tumaob ang bangka at nahulog sa tubig ang mga sakay nito na agad ding nailigtaa at dinala sa Port of Zamboanga para sa agarang gamutan sa tulong ng Coast Guard at Philippine Red Cross.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang buong detalye ng insidente.
Trending
- PERSIAN GULF, GULF OF OMAN DAMAY NA RIN
- Security adviser: Año”out”;Oban”in”
- MAYWEATHER-PACQUIAO II: REAL PROFESSIONAL BOUT
- Mayweather takot makatikim ng talo
- San Beda aalisin sa NCCA at lilipat UAAP – ‘Tsismis lang!’
- Juday, Ryan never nag-away sa pagpapalaki sa mga anak
- Heart Evangelista magbubukas ng sosyal na ukay-ukay
- Hermes bag ni Carla Abellana pang-tuition fee ng magiging anak

