Tatlong panukala ang inihain sa Kamara de Representantes upang ipagpaliban ang nakatakdang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Nobyembre 2, 2026.
Ang House Bill 10583,, na pangunahing inakda ni Senior Deputy Speaker at South Cotabato Rep. Ferdinand Hernandez, ay naglalayong ilipat ang BSKE sa huling Lunes ng Mayo 2027.
Ayon sa mga may-akda ng HB 10583, ang panukalang ipagpaliban ang halalan ay hindi dahil sa political convenience,, election fatigue, hangaring mapahaba ang panunungkulan ng mga kasalukuyang opisyal, o para magkaroon ng savings ang pamahalaan.
“It responds instead to extraordinary and intervening events that have materially affected the financial, logistical physical, and operational conditions under which the November 2, 2026 BSKE must be conducted,” sabi sa panukala.
“The country is presently confronting an international energy crisis arising from the conflict in the Middle East, which has caused significant instability in global petroleum supply. These developments were not reasonably foreseeable when the appropriations and operational assumptions for the 2026 elections were prepared,” dagdag pa nito.
Ayon sa Commission on Elections (Comelec), nasa P19 bilyon ang gagastusin ng pamahalaan sa isasagawang BSKE.
Samantala, ang House Bill 10584, na inakda ni Basilan Rep. Ustadz Yusop Alano, ay nagmumungkahing ilipat ang BSKE sa huling Lunes ng Nobyembre 2028.
Binanggit sa HB 10584 ang pandaigdigang krisis sa enerhiya na nagdulot ng matinding pabagu-bagong presyo ng lokal na gasolina, gayundin ang mga kalamidad tulad ng malalakas na lindol sa Mindanao na sumira sa mga imprastraktura.
Ang House Bill 10591, na pangunahing inakda ni Negros Occidental Rep. Javier Miguel Benitez, ay naglalayon ding ilipat ang BSKE sa huling Lunes ng Nobyembre 2028.
Kapwa binanggit ng tatlong panukala ang desisyon ng Korte Suprema sa kasong Macalintal vs. Comelec kung saan nakasaad na maaari lamang ipagpaliban ang isang halalan kung may “important, substantial, or compelling reasons,” bilang constitutional basis ng kanilang panukala.
Ang tatlong panukala ay ipinadala sa House Committee on Suffrage and Electoral Reforms na pinamumunuan ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong,
====
Trending
- EALA DISKARIL KAY BENCIC, SABAK SA US, SINGAPORE OPEN
- PBA ipinagpaliban 2 laro dahil sa masamang panahon
- Pia, nilayasan ng dating glam team ni Heart?
- Ruru, nag-throwback sa pamba-basted ni Barbie
- Toni Fowler, nagpatanggal ng boobs
- ‘Killer’ nina Perry Mariano, driver arestado
- Extradition ni Quiboloy dedesisyunan ngayong taon
- 10 ‘maleta boys’ laya na
