Timbog ang tatlong miyembro ng notoryos na “Ativan Gang” na sangkot sa serye ng nakawan at ilegal na droga sa isinagawang magkakahiwalay na operasyon ng pulisya.
Lumabas sa imbestigasyon, na ginagamit ang gamot na Lorazepam o mas kilalang Ativan ng nasabing sindikato para mawalan ng malay ang mga target nitong biktima na kadalasang mga dayuhan tsaka ito pagnanakawan at papasukin ang kanilang mga bank account.
Nahuli sa Tondo, Manila ang isang 54-anyos na babae na sangkot sa pagnanakaw sa Sta. Cruz kung saan dinuroga umano nito ang isang hotel chef pagkatapos ninakawan ng cellphone at P10,000.
Habang sa Makati, nahuli ang isang 42-anyos na babae sa bisa ng warrant para sa kasong theft .
Sa Manila naman nahuli ang isang 37-anyos na lalaking taxi driver nag mahulihan ng ilegal na droga kung saan kinilala rin sya ng mga awtoridad bilang pangunahing transporter ng grupo habang isinasagawa ang krimen.
Iniuugnay ang mga nasabing nahuling mga suspek sa kaso ng isang Singaporean National sa Binondo, Manila na umano’y dinroga para pagnakawan at gumawa ng hindi awtorisadong transaksyon sa kanyang bangko.

Share.
Exit mobile version