Nasabat ang tatlong sasakyan na may dalang pinaghihinalaang ilegal na mineral ore sa bayan ng Dumingag sa Zamboanga del Sur nitong Lunes ng madaling-araw, Mayo 4.
May tinatayang kabuuang halaga na P533,750 ang naturang mga kargamento.
Sa unang operasyon 4:30 ng madaling-araw sa kahabaan ng national highway sa Barangay Lower Landing, nakumpiska ang 25 sako ng copper ore na tumitimbang ng humigit-kumulang 1,250 kilo.
Ilang oras matapos nito, sinundan pa ng dalawang magkahiwalay na operasyon sa Barangay Dulop kung saan nasabat ang dalawang mini dump truck na may kargang pinagsamang 280 sako ng mineral ore.
Ang mga drayber at kanilang mga kasama ay dinala sa lokal na himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon, habang ang mga nakumpiskang materyales ay itinurn-over sa Mines and Geosciences Bureau Region IX para sa wastong disposisyon.
Ayon sa mga awtoridad, ang magkakaugnay na operasyong ito ay bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa ilegal na pagmimina.
Trending
- Wowen’s football ng North Korea dadayo sa South Korea
- Anthony Edwards kuwestiyonable para sa game 1
- Tuesday Vargas umapela ng suporta
- Heart, umayuda sa mga batang may genetic blood disorder
- Sofia Trazona, ibinalandra ang ‘cocomelon’
- 1 pulis patay, 4 sugatan sa engkuentro
- Anti-political dynasty, LEDAC measures nakapila
- Seguridad sa trabaho at proteksyon sa scam
