Nakabatay lang umano sa ebidensyang hawak ng prosekusyon ang pagsasampa ng Department of Justice (DOJ) ng 3 counts ng grave threats laban kay Vice President Sara Duterte.
Ito ay sa kabila ng sinabi ng Malacanang na kulang umano ito at dapat ay may kasamang inciting to sedition.
Ayon kay Prosecutor General Richard Fadullon, hindi maaaring pangunahan ng DOJ ang pananaw ng iba pang ahensya.
Malinaw umano na ang naging batayan ng mga piskal ay ang resulta ng kanilang imbestigasyon.
Nauna rito, sinabi ni Palace Press Officer
Claire Castro na sa kanyang pananaw bilang abogado, may elemento umano ng inciting to sedition ang mga naging pahayag ng Bise Presidente, partikular ang umano’y intensyon na maghasik ng galit laban sa pamahalaan.
Pero ayon kay Fadullon, hindi maaaring diktahan ng ibang ahensya ang DOJ kung ano ang isasampang kaso.
Matatandaang naghain ang DOJ ng tatlong bilang ng grave threats laban kay Duterte kaugnay ng kanyang kontrobersyal na pahayag noong 2024.
===
Trending
- UST, FEU, San Beda, at JRU sa NSAC Invitational
- Player of the Week na si Ahanmisi
- Toni Gonzaga nakatanggap ng ‘death threat’ kahit buntis
- Ogie Diaz nilayasan na ni Aiko
- Arci Muñoz at Sam Versoza naispatang magkasama
- Retirement age sa PNP, BJMP, BFP itataas
- Zero tolerance policy vs bullying sa paaralan, ikinasa
- Koleksyon ng BIR pumalo sa P358B noong Hulyo
