Isinuko ng kampo ni Sen. Ronald Dela Rosa  ang 20 mga baril na  pag-aari nito sa mga otoridad sa Davao City batay sa Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Chief Gen Jose Nartatez Jr., ang 20 mga baril na nakarehistro sa pangalan ni Sen. Dela Rosa, isinurender ng kanyang legal representative sa Brgy. Maa, Davao City sa pakikipagkoordinasyon sa PNP-Civil Security Group  11.

Dinala ang mga nasabing baril sa RCSU 11 office sa Camp Sgt. Quintin M. Merecido, Buhangin, Davao City para sa custody  at safekeeping matapos na masuri,  madukomento at mabigyan ng kopya ng acknowledgment receipt ang kinatawan ni Dela Rosa.

Magugunita na ni-revoke ng PNP-FEO ang license to own and possess firearms ( LTOPF)  at registration ng 117 guns ni Dela Rosa nang magtago nang maglabas ng warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC).

Kabilang si Dela Rosa sa sinampahan ng kasong crime  against humanity na co-perpetrator ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa inilunad na kampanya kontra iligal na droga kung saan umabot sa 30,000 katao ang nasawi. 

Share.
Exit mobile version