Ipinasok ng prosecution bilang ebidensiya ang dalawang magkaibang video ng pagbabanta umano ni Vice President Sara Duterte kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez
Ang dalawang video na iprinisenta ng prosecution sa impeachment court nitong Martes, Hulyo 7, ay parehong press conference ng Bise Presidente na naganap noong Oktubre 18, 2025 habang ang isa naman ay noong Nobyembre 23, 2024.
Na-authenticate ni National Bureau of Investigation (NBI) agent John Mark Calilung at na-screenshot ang dalawang video at nai-save sa flashdrive na siya namang kinumpirma nang ipakita sa kanya kanina sa court room.
Sa ikalawang araw ng impeachment trial, pinayagan ng Senate impeachment court ang prosecution na magprisenta ng bahagi ng dalawang oras na press conference ni Duterte bilang ebidensiya para matukloy ni Calilung na siyang nag-imbestiga sa pagiging tunay na press conference na napanood sa Facebook page ni dating presidential spokesperson Harry Roque.
Ipinakita sa impeachment court ang video kung saan binanggit ng Bise Presidente ang katagang “Huwag kang mag-alala, Ma’am sa security ko, kasi may kinausap na ako na tao. Sabi ko sa kanya, kapag pinatay ako, patayin mo si BBM, si Liza Araneta, at si Martin Romualdez.”
“No joke, no joke. Nagbilin na ako, Ma’am. ‘Pag mamatay ako, sabi ko, huwag ka tumigil ha, hanggang hindi mo mapatay sila. And then he said yes.”
Sa testimoniya ni Caliling, sinabi niyang ang banta ni Duterte para patayin ang Pangulo at kanyang pamilya ay makikita sa video sa oras na isang oras at 15 minuto hanggang isang oras, 17 minuto at 18 segundo o habang dalawang minuto at 18 segundo.
Samantala, sa press briefing noong Oktubre 18, 2024 sinabi ng Bise Presidente na gusto niyang tanggalin ang ulo ni Pangulong Marcos at ini-imagine niya na tinanggal ang ulo nito. Sinabi rin umano niya kay Senadora Imee Marcos kapag hindi huminto ang kanyang kapatid ay huhukayin ang kanilang at itatapon sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Calilung sa korte na nakuha niya ang October video matapos nilang magsagawa ng open-source investigation para matukoy kung may mga nauna nang video o pahayag na pareho noong Nobyembre 23.
Dagdag pa niya, gumamit din siya ng open broadcast software para ma-authenticate ng video.
Humarap na ngayong ikalawang araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ang unang testigo ng prosecution team na si NBI agent John Mark Calilung.
Si John Mark Calilung ay naitalaga sa cybercrime investigation division at digital forensic laboratory division ng NBI.
Iprinisinta ni prosecutor Atty. Amando Virgil Ligutan si Calilung bilang testigo sa Article 4 o ang Grave threats at acts of sedition kaugnay sa naging pagbabanta ni Vice President Duterte Sara sa buhay ni Pangulong Marcos, asawang si Lady Liza Araneta-Marcos, at dating Speaker Romualdez.
=====

Share.
Exit mobile version