CALOOCAN NGAYON–HIGIT sa P300,000 sa halaga ng marijuana ang nasamsam sa dalawang drug pusher matapos maaresto sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.
Ayon kay Northern Police District (NPD) Acting District Director P/BGen. Jerry Protacio, nagsagawa ang mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) nang buy bust operation, katuwang ang DSOU-NPD at Sub-Station 15 ng Caloocan CPS sa koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Pasado alas-8:13 ng gabi nang makipagtransaksyon umano ang dalawang umano’y tulak na sina alyas “Juan”, 28, at alyas “Tunying”, 27, sa isang pulis na nagpanggap na buyer na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanila sa Brgy., 180 ng lungsod.
Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 2,500 grams ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana with fruiting tops na may standard drug price value na P300,000.00 at buy bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Roger Panizal)
Trending
- 2 TULAK TIKLO
- ALCANTARA NAGTATWA
- Alex Eala nagmarka sa Kasaysayan!
- UP Campus, Kampeon sa Chess sa Quezon City
- EFREN “BATA” REYES YALIN 10-BAll: GALLITO KAMPEON
- SUBSTANDARD SOLAR LIGHTS AT PANELS NASAMSAM SA BULACAN
- TIANGCO TO ABANTE: DON’T SPREAD FAKE NEWS TO DEFEND ZALDY CO
- Produktong Bulacan bida sa ‘Tatak Singkaban Trade Fair’