tesssssstt

Inaresto ang dalawang empleyado ng visa consultancy firm sa Intramuros, Manila na nagpakilalang operatiba ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at nangikil ng milyong-milyong piso sa pamilya ng mga dayuhang POGO workers.

Ayon kay PAOCC Executive Director Undersecretary Gilbert Gruz, nagpapakilala na mga taga NBI, Bureau of Immigration (BI) at PAOCC ang suspek kung saan sinasabi nilang kaya nilang palabasin ang asawa nilang nakakulong at sisingilin ng pera , na ang katotohanan nito ay kinikikilan o ine-estafa lang nila ang pamilya ng POGO workers.

Nagsagawa ng entrapment operation ang awtoridad laban sa mga suspek matapos hingan ang mga biktima ng P250,000 para maalis sa listahan ang foreign national mula sa backlist ng BI.

Isa sa fiance ng isang foreign POGO workers ang hiningan ng P1.1 milyon para mairelease at hindi madeport ang kanyang fiance.

Aniya, maging ang magulang ng kanyang boyfriend, nakapagsanla na ng kanilang bahay sa China upang maibigay lamang ang hinihinging halaga ng mga suspek.

Nakapagbigay lamang aniya siya ng halagang P900,000 ngunit hanggang ngayon hindi pa rin nailalabas ang kanyang boyfriend.

Hiningan naman ang isa pang biktima ng P1.1 milyon para sa kanyang asawa na naaresto sa isang raid sa Paranaque.

Tiniyak umano ng mga suspek ang napipintong paglaya ng kanyang mister dahil nasa kustodiya ito ng PAOCC.

Pero inaresto ang kanyang asawa ng Bureau of Immigration.

Sinabi ni Cruz na matagal na silang may natatanggap na reports simula noong nakaraang taon .

Sinasabi rin fixers na lumalakad ng mga dokumento ang mga suspek para sa mga dayuhan o mga Chinese lalo na sa mga nagtatrabaho sa mga operasyon ng POGO.

Lumalabas base sa imbestigasyon ng POACC na may kasabwat ang mga suspek sa ilang ahensya ng gobyerno kaya naman ito ngayon ang pinagtutuunan sa kanilang follow up operation.

Mahaharap sa reklamong robbery extortion, usurption of person in authority ,estafa at grave coercion.

Share.