Patay ang dalawang katao at isa ang malubhang nasugatan sa ambush sa Barangay Sambulawan sa bayan ng Kadayangan sa Bangsamoro Special Geographic Area sa probinsya ng Cotabato nitong hapon ng Linggo, April 19.
Sakay ng motorsiklong Honda click ang mga biktima, patungo sa kung saan, ng tambangan ng mga lalaking naka-bonnet, armado ng M16 rifles at .45 caliber pistols, sa isang liblib na bahagi ng highway sa Barangay Sambulawan sa Kadayangan.
Isa ang Kadayangan sa walong mga bagong tatag na bayan na sakop ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, ngunit nasa probinsya ng Cotabato na nasa teritoryo ng Region 12.
Sa mga hiwalay na ulat nitong Lunes ng municipal officials ng Kadayangan at ni Captain Steffie Salanguit, spokesperson ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, agad na namatay sa mga tama ng bala ang dalawa sa tatlong targets ng naturang pananambang, sina Ambi Tukuran at Ali Habib Lumilis.
Malubhang nasugatan sanhi ng naturang ambush ang kasama nilang si Edmund Aliso, ginagagamot na sa Dr. Amado Provincial Memorial Hospital sa población ng hindi kalayuang bayan ng Midsayap.
Parehong nadeklarang dead on arrival ng mga doctor sa naturang pagamutan sina Tukuran at Lumilis kung saan sila dinala ng mga barangay officials sa Sambulawan at mga pulis na nagresponde sa insidente upang malapatan sana ng lunas.
Si Tukuran ay residente ng Barangay Lumupog sa Midsayap, Cotabato na naging sentro ng mga serye ng madugong labanan ng mga magkaaway na mga grupong Moro nito lang nakalipas na buwan. Si Lumilis ay taga Barangay Kadingilan sa bayan ng Nabalawag na sakop din ng Bangsamoro Special Geographic Area.
May teorya ang mga local executives at mga officials ng bagong tatag na Kadayangan Municipal Police Station na may kaugnayan sa “rido,” o clan war, na kinasasangkutan ng mga pamilya ng mga biktima ang pagkaka-ambush sa kanila sa Barangay Sambulawan nitong Linggo.
Trending
- DUTERTE :ICC HATOL NGAYON
- ELECTION POSTPONEMENT “UNCONSTITUTIONAL”
- ROMUALDEZ PA-SINGAPORE,PINIGIL
- Bimby, Vic muling nagkita
- Jinkee, ibinida bonding sa apo sa LA
- DJ Jellie Aw inasar pa mga kontra sa lovelife nila ni Jam Ignacio
- Lakers, pinadapa ang Rockets
- Lanete handa na sa homecoming kasama ang Lyceum Juniors
