Pitong indibidwal, kabilang ang dalawang most wanted sa municipal level, ang naaresto sa serye ng manhunt operations ng pulisya sa Bulacan kamakalawa.
Ayon kay P/Lt.Col Jordan G Santiago, hepe ng Marilao MPS, nadakip si alyas “Frey,” Top 8 Most Wanted Person sa municipal level, sa Brgy. Loma de Gato, Marilao sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Rape by Sexual Assault.
Samantala, iniulat naman ni P/Lt.Col Voltaire C. Rivera. hepe ng Sta. Maria MPS ang pagkakaaresto kay alyas “Perto,” 53, na nahaharap sa kasong rape na walang piyansa, sa Brgy. Bagbaguin, Santa Maria.
Gayundin, limang pang akusado ang naaresto sa magkakahiwalay na operasyon ng Meycauayan at Bocaue MPS para sa iba’t ibang kasong kriminal.
Ang mga naarestong indibidwal ay nasa kustodiya ng mga arresting units para sa kaukulang disposisyon.
Patuloy ang masigasig na operasyon ng Bulacan PNP, sa pamumuno ni PColonel Angel L Garcillano, acting provincial director ng Bulacan PPO upang tiyakin ang kaayusan at hustisya sa lalawigan.(DG)