Nalunod sa Ilog Cagayan na sakop ng Brgy. Maddarulug Norte, Enrile, Cagayan, ang dalawang menor de edad nitong Lunes, Agosto 10.
Kinilala ang mga nasabing binatilyo na sina Jhony Baquiran, 13-anyos, residente ng Brgy. Maddarulug Sur; at Gian Agpalasin, 13-anyos, at taga Brgy. San Roque.
Batay sa ulat ni Don Erickson Orje, ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer ng Enrile, 11:00 ng umaga nang makarating sa kanilang tanggapan ang impormasyon ng pagkalunod ng mga binatilyo.
Pagdating ng 1:00 ng hapon, nahanap ang katawan ni Baquiran at agad na dinala sa pagamutan habang si Agpalasin kasalukuyan pang pinaghahanap ng mga awtoridad.
Binanggit din ni Orje sa kanilang ulat na patuloy pa nilang inaalam ang pangyayari bago malunod ang dalawang binatilyo.
