Nasawi ang dalawang katao sa sunog na nangyari sa Natividad St., Brgy. 81, Caloocan City.

Kinilala ang mga biktima na sina Roberto Guerrero, 52 taong gulang; at Liane Dacaymat, 16 taong gulang.

Sumiklab ang sunog sa residential area ng nasabing barangay noong Miyerkoles ng hapon.

Ayon sa BFP Caloocan, 6:00 ng gabi nang ideklarang fire under control ang sunog.

Electrical wiring naman ang isa sa iniimbestigahan dahilan ng sunog.

Sa ngayon, dadalhin muna sa isang simbahan at 3 covered courts ang mga apektadong pamilya.

Share.
Exit mobile version