Nasawi ang dalawang Philippine Army trainees habang nasa isang training activity sa Capas, Tarlac, kinumpirma ng Army nitong Biyernes.
Ayon kay Army spokesperson Col. Louie Dema-ala, nangyari ang insidente sa Training Command (TRACOM) ng Philippine Army at kinasasangkutan ng mga trainee mula sa School for Candidate Soldier Class 806-2026.
“The Philippine Army confirms the unfortunate death of two trainees during a training activity at the Training Command, Philippine Army in Capas, Tarlac,” ani Dema-ala.
Dagdag niya, “We extend our deepest condolences to their families. We are extending full support and assistance during this difficult time.”
Nauna nang sinabi ng Training Command na nagsasagawa na ito ng “thorough and impartial investigation” habang nagbibigay ng tulong sa mga naulilang pamilya.
Iginiit din ng Army na mahigpit nitong ipinapatupad ang polisiya na nagbabawal sa anumang uri ng karahasan, pagmamaltrato o abuso sa training.
Ipinag-utos na ang masusing imbestigasyon upang matukoy ang tunay na pangyayari, at hinikayat ang publiko na iwasan ang espekulasyon.
“We will not speculate. We ask the public to allow the investigation to proceed and to avoid spreading unverified claims that may cause further distress to the families,” ayon kay Dema-ala.
Dagdag pa niya, nirerepaso na rin ang mga safety protocols sa training upang mas mapalakas ang mga hakbang sa seguridad.

Share.
Exit mobile version