Pinayagan ng International Criminal Court o ICC ang pag-withdraw ni French lawyer Dov Jacobs bilang associate counsel ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kinahaharap nitong kasong crimes against humanity.
Ayon sa ICC Trial Chamber III, wala namang magiging problema o abala dahil may natitira pang lead counsel at ibang miyembro ng defense team ni Duterte.
Sinabi ni Jacobs na nagdesisyon siyang umalis matapos umano magplano si Duterte na baguhin o ayusin muli ang kanyang legal team bago magsimula ang trial proper.
Kasabay nito, naghain din ng request na mag-withdraw si lead counsel Nicholas Kaufman.
Sa kanyang filing noong Biyernes, Mayo 8, sinabi ni Kaufman na natapos ang kanyang engagement bilang abogado ni Duterte noong Marso 31, 2026.
“Yesterday, the Defence team visited Mr. Duterte and documented both Mr. Duterte’s release of Counsel from his representation and his desire to hire replacement Counsel,” ayon sa filing.
Ayon pa kay Kaufman, mayroon nang kapalit na abogado na handang agad humawak sa kaso at dumalo sa status conference sa Mayo 27.
Sinabi rin niya na nais ni Duterte na i-reorganize ang kanyang defense team habang papalapit ang trial phase ng kaso kaugnay ng war on drugs.
Binigyang-diin naman ng ICC na mananatiling tuloy-tuloy ang legal representation ni Duterte kahit umatras ang dalawang abogado.
Ang kaso laban kay Duterte ay may kaugnayan sa mga umano’y pagpatay sa ilalim ng kampanya kontra droga ng kanyang administrasyon.
Trending
- Embiid may injury ‘di makapaglaro
- Spurs, itinabla ang serye sa Game 2
- Sarah, proud sa BINI, ipinamana na ang trono
- Kris, nadale uli ng Covid
- Joaquin, ‘proof of life’ post kay Angel
- Lebel ng tubig sa Angat dam, patuloy na bumababa
- Paglago ng ekonomiya ng Pinas, bumagal sa 2.8%
- 28 lugar sa bansa, daranas ng “dangerous” heat index
