Umakyat na sa 18 ang bilang ng mga nasawi dahil sa epekto ng Bagyong Inday (Bavi) sa Mindanao, habang 14 katao pa ang nawawala.
Sa mga nasawi, siyam ay mula sa Malapatan, Sarangani, pito sa Calanogas, Lanao del Sur, at dalawa sa Bukidnon.
Samantala, siyam ang nawawala sa Davao Occidental, isa sa Malapatan, at apat sa Calanogas.
Dulot ng malakas na ulan ng bagyo at habagat, nagkaroon ng landslide at flash flood na nagbaon sa mga bahay at nagsara sa ilang kalsada sa Mindanao.
Sa Malapatan, inihatid ng helicopter ng militar ang mga labi ng siyam na biktima mula sa Sitio Blesong Fundao, Barangay Poblacion, dahil hindi madaanan ang mga kalsada.
Sa Calanogas, patuloy ang paghahanap sa apat na nawawala matapos ang landslide sa Barangay Ngingir. Isinailalim na rin sa state of calamity ang buong bayan dahil sa matinding pinsala sa mga komunidad at lansangan.
Sa Jose Abad Santos, Davao Occidental, siyam na katao ang pinaghahanap matapos tangayin ng baha sa Barangay Tanuman. Naging hindi rin madaanan ang mga kalsada at nasira ang bahagi ng isang tulay dahil sa rumaragasang tubig.
======
Trending
- Victor Wembanyama, pumirma ng $252-M rookie max extension
- Joshua Pacio, naselyuhan ang ONE Strawweight MMA world title
- Housemates sa Bahay ni Kuya, nagsama sa isang pelikula
- Elisse Joson tinawanan akusasyong kabit ng politiko
- Ate Gay ‘di pa cancer free, sumalang sa cyberknife
- Pinoy ‘guilty’ sa pagpatay sa misis na Pinay sa US
- Sakahan winasak ng rumaragasang flash flood
- Matibag inimbita ng FBI
