Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang emergency diversion sa Iloilo ng isang Philippine Airlines (PAL) flight na patungong Maynila, matapos makaranas ng problema sa cabin pressurization noong Linggo ng hapon.
Ayon sa CAAP, nakaranas ng aberya ang Flight GAP2544 mula Dumaguete kaya agad na nagdeklara ng emergency ang crew at inilihis ang ruta patungong Iloilo International Airport.
Nakalapag ang eroplano 4:27 ng hapon at ligtas na nakababa ang 175 pasahero, kabilang ang tatlong sanggol.
Ilan sa mga pasahero ang humingi umano ng medical assistance paglapag, na agad namang nilapatan ng lunas ng airport medical team.
“Reports indicate that the oxygen supply in the cabin was insufficient after the aircraft reached its cruising altitude of 32,000 ft,” pahayag ng PAL sa isang abiso noong Linggo.
Patuloy na minomonitor ng CAAP ang insidente at nakikipag-ugnayan na sa airline.
Trending
- DUTERTE :ICC HATOL NGAYON
- ELECTION POSTPONEMENT “UNCONSTITUTIONAL”
- ROMUALDEZ PA-SINGAPORE,PINIGIL
- Bimby, Vic muling nagkita
- Jinkee, ibinida bonding sa apo sa LA
- DJ Jellie Aw inasar pa mga kontra sa lovelife nila ni Jam Ignacio
- Lakers, pinadapa ang Rockets
- Lanete handa na sa homecoming kasama ang Lyceum Juniors
