Arestado ang labinlimang katao at dalawa pa ang pinaghahanap ng mga awtoridad nang maaktuhan sa iligal na sabong sa Brgy. Dianao, Cauayan City, Isabela nitong Lunes.
Kinilala ang mga naaresto na sina alyas “Ed”, “Ron”, “Berto”, Dumz”, Austin”, “Liw”, “Kano”, “Sam”, June”, “Den”, “Onald”, “Carry”, “Rey”, “Tore”, at “Fred”. Samantala, patuloy pang pinaghahanap ang umano’y operator na si alyas “Oel” at isang kasabwat na si alyas “JR”.
Batay sa ulat ng Cauayan Component City Police Station, nakatanggap ng tawag ang kanilang Tactical Operations Center (TOC) 3:30 ng hapon mula sa isang concerned citizen kaugnay ng umano’y nagaganap na ilegal na sabong sa nasabing lugar. Agad namang rumesponde ang pinagsanib na pwersa ng Cauayan CCPS at 205th Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 2 (RMFB2) upang beripikahin ang ulat.
Pagdating sa lugar, nadatnan ng mga operatiba ang isang grupo ng mga indibidwal na aktwal na nagsasagawa ng ilegal na sabong sa isang open field gamit ang improvised cockpit o “gradas,” na nagresulta sa pagkakaaresto ng 15 katao.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang pitong (7) buhay na panabong na manok, apat (4) na patay na manok, pitong (7) derby box, isang (1) gaffing kit na naglalaman ng 25 piraso ng tari, at halagang Php50,120.00 na pinaniniwalaang pusta sa naturang ilegal na aktibidad.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Cauayan CCPS ang mga naaresto para sa kaukulang imbestigasyon at pagsasampa ng kaso sa paglabag sa Presidential Decree 449 o ang Cockfighting Law of 1974.
Trending
- Celeste, ready ng magpa-sexy
- Kyline, magbibigay ng ayuda sa mga driver ng jeep
- Bea-Vincent wedding ‘di tuloy sa May 16
- 12 ex-Marines sa ‘maleta scam,’ Zaldy Co, paghaharapin sa Blue Ribbon hearing
- Validity ng mga lisensya at registration, extended na
- Angkas babawasan komisyon sa mga rider
- ‘Missing’ na nene, natagpuang bangkay nakasilid sa sako
- Lalaki sangkot sa hit-and-run, patay sa bangga ng truck
