Nakauwi na ng Pilipinas ang 14 na Filipino seafarers na sakay ng MV Century Royal na ni-raid ng mga pirata sa Port-au-Prince Anchorage, Haiti.
Kabilang ang mga ito sa 18 tripulanteng Pinoy na sakay ng naturang barko kung saan may dalawa pang Pilipino ang nawawala.
Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at sa Department of Migrant Workers (DMW), bukod sa tulong-pinansyal, bibigyan din ng physical at psychological support ang mga umuwing Pinoy seafarer.
Tiniyak naman ng DMW na nagpapatuloy ang negosasyon para sa paglaya ng mga natitira pang bihag na Pinoy crew.
Trending
- Alex Eala nakakuha ng bye sa unang round
- Giannis bumalik tinalo ng Celtics ang Bucks
- Canino ng La Salle at Ybañez ng UST, nagpapalakas
- Mga Pinay, pupunta sa Gold Coast para makabawi vs South Korea
- Karla Estrada sa mga bashers ng anak:’Di ko ito palalagpasin’
- Tapat na trabaho ‘di kailanman nakakahiya – Tuesday Vargas
- Alden Richards pinarangalan Most Valuable Taxpayers 2025
- Online selling nagbigay kay Kiray Celis ng ‘di kayang gawin ng pag-arte

