Nagdeklara si Pangulong Bongbong Marcos ng 14 special non-working days sa iba’t ibang bahagi ng bansa ngayong Agosto upang bigyang-daan ang mga residente na makilahok sa mga pista, pagdiriwang ng anibersaryo at espesyal na halalan.
Ang mga proklamasyon ay nilagdaan ni Executive Secretary Ralph Recto sa bisa ng kapangyarihang ipinagkaloob ng Pangulo at inilathala sa Official Gazette website.
Ayon sa mga proklamasyon, nararapat lamang na mabigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na makiisa at lubos na makapagdiwang sa mga nasabing okasyon.
Kabilang sa mga idineklarang special non-working day ang mga sumusunod:
Agosto 7 – Bayombong, Nueva Vizcaya para sa kanilang Town Fiesta sa ilalim ng Proclamation No. 1371
Agosto 12 – Candoni, Negros Occidental para sa ika-65 anibersaryo ng pagkakatatag ng bayan sa ilalim ng Proclamation No. 1373
Agosto 13 – Magpet, Cotabato para sa ika-63 founding anniversary sa ilalim ng Proclamation No. 1374
Agosto 14 – Davao City para sa Kadayawan Festival at Indigenous Peoples’ Day sa ilalim ng Proclamation No. 1372
Agosto 14 – Mawab, Davao de Oro para sa founding anniversary sa ilalim ng Proclamation No. 1375
Kasama rin sa listahan ang:
Agosto 15 – Lalawigan ng Bulacan para sa provincial founding anniversary sa ilalim ng Proclamation No. 1376
Agosto 15 – Viga, Catanduanes para sa Araw ng Viga sa ilalim ng Proclamation No. 1377
Agosto 17 -Tuguegarao City, Cagayan para sa Pavvurulun Afi Festival sa ilalim ng Proclamation No. 1368
Agosto 18 – Kidapawan City, Cotabato para sa 79th founding anniversary sa ilalim ng Proclamation No. 1378
Agosto 19 – Kasibu, Nueva Vizcaya para sa Citrus Festival sa ilalim ng Proclamation No. 1379
Samantala, idineklara rin ang mga sumusunod na local holidays:
Agosto 19 – Angono, Rizal para sa pagdiriwang ng anibersaryo ng pagkilala rito bilang isang munisipalidad sa ilalim ng Proclamation No. 1380
Agosto 20 – Gasan, Marinduque para sa ika-417 founding anniversary sa ilalim ng Proclamation No. 1381
Agosto 29 – Ika-apat na distrito ng Cavite na kinabibilangan ng Dasmariñas City para sa special congressional election sa ilalim ng Proclamation No. 1369
Agosto 29 – Dangcagan, Bukidnon para sa founding anniversary sa ilalim ng Proclamation No. 1382.
Trending
- WTA rankings ni Alex Eala umangat sa No. 20
- Alas Pilipinas Women giba sa Indonesia, winless sa SEA V Cup Leg 1
- Yassi binigyan ng bf ng engagement ring, lupa’t cash
- Mariel, naglunsad ng ‘Protect Sen. Robin Padilla Movement’!
- Yayo, hiwalay na sa dyowa
- Planetarium , telescope viewing ilulunsad ng PAGASA
- Reklamo vs bagong DOH chief, aaksyunan
- Jinggoy humirit sa Sandiganbayan
