NASAKOTE ng pulisya sa magkahiwalay na manhunt operations ang sampung wanted persons kabilang ang limang Most Wanted Persons (MWP) sa loob lamang ng 24-oras sa Caloocan, Malabon Navotas at Valenzuela Cities.
Sa Caloocan, inaresto ng mga tauhan ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth ang 25-anyos na babae na residente ng San Jose Del Monte, Bulacan at nakatala bilang MWP sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 126, Caloocan City, para sa paglabag sa Section 11, Article II ng R.A 9165 na may inirekomendang piyansa na P200,000.00.
Dinampot din ng mga operatiba ng Caloocan CPS WSS sa bisa ng arrest warrant na inisyu ng Family Court RTC Branch 1, Caloocan City para sa kasong Statutory Rape at Rape by Sexual Assault ang 23-anyos na kelot ng Barangay 187. Walang inirekomendang piyansa para sa Statutory Rape habang para sa Rape by Sexual Assault ay piyansa na P180,000.
Isinilbi naman ng mga tauhan ni Malabon Police Chief P/Col. Allan Umipig sa 60-anyos na lolo ng Brgy., Catmon ang alias warrant of arrest na inisyu ng RTC Branch 72, Malabon City, para sa paglabag sa Section 11, Article II ng RA 9165 na may inirekomendang piyansa na Php200,000..
Sa Navotas, binitbit ng mga tauhan ni Navotas Police Chief P/Col. Renante Pinuela ang 21-anyos na kelot ng Brgy., Sipac-Almacen sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Family Court, RTC Branch 9, Navotas City, para sa kasong Sexual Assault na may inirekomendang piyansa na Php180,000.
Habang dinampot naman ng mga tauhan ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento sa koordinasyon sa Lope De Vega Municipal Police Station, NSPPO PIU, 1st NSPMFC, CIDG NSPFU, at NDIT RIU-NCR IG, sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng RTC Branch 270, Valenzuela City, para kasong Acts of Lasciviousness in relation to R.A. 7610 na may inirekonendang piyansa na Php260,000 ang 44-anyos na construction worker na nakatala bilang No. 9 sa Top Ten MWP sa Valenzuela CPS.(Roger Panizal)
Trending
- Embiid may injury ‘di makapaglaro
- Spurs, itinabla ang serye sa Game 2
- Sarah, proud sa BINI, ipinamana na ang trono
- Kris, nadale uli ng Covid
- Joaquin, ‘proof of life’ post kay Angel
- Lebel ng tubig sa Angat dam, patuloy na bumababa
- Paglago ng ekonomiya ng Pinas, bumagal sa 2.8%
- 28 lugar sa bansa, daranas ng “dangerous” heat index
