Nasawi ang sampung katao at tatlo ang nawawala matapos ang pagguho ng lupa sa Malapatan, Sarangani Province, Biyernes.
Kinilala ang mga nasawi na sina Alejandro Maladian; Gina Maladian; Jordan Maladian; Wiljay Maladian; Nitoy Maladian; Ricky Dawang Yaton; Bon Bon Cawari; Thirdy; Prince; at Joseph.
Ayon sa inisyal na ulat ng municipal information office, 3:00 madaling-araw nangyari ang landslide sa Sitio Pandao, Brgy. Poblacion.
Naitakbo pa sa ospital si Ricky Yaton sa pamamagitan ng mano-manong pagbuhat ng kanyang mga kapamilya, na ang idinadaan sa pababa ng masukal at matarik na lugar upang makarating sa mga emergency responder, pero namatay din pagdating sa ospital.
Natabunan ang isang bahay kung saan nakatira ang dalawang pamilya. Patuloy ang search operations sa lugar upang hanapin ang iba pang nawawala.
Nakaranas ng malalakas na pag-ulan ang ilang lugar sa Mindanao dahil sa southwest monsoon o habagat na pinalakas ng typhoon Inday.
Pinaniniwalaan ng mga opisyal, na ang malawakang bitak ng mga lupa sa area, dahil sa nagdaang magnitude 7.8 na lindol na yumanig sa rehiyon noong Hunyo 8, ang dahilan nang pagguho, bunsod sa tuloy-tuloy na buhos ng ulan.
Mabilis namang nailikas ang 115 pamilya mula sa dalawang kalapit na barangay matapos ang matinding pagbaha.
Kasalukuyang tumatanggap ng tulong ang mga pamilyang ito sa mga itinalagang evacuation center ng bayan.
=====
Trending
- Argentina, gumawa ng historic comeback para talunin ang Egypt, 3-2
- Alex Eala, seeded player na sa National Bank Open
- Ai Ai at Osang, pinagkwentuhan ang lovelife
- Bimby at Ryzza, nag-date kasama mga madir!
- VMX star, muntik nang mabulag sa eye lashes!
- Marcoleta dadalhin sa korte sa Hunyo 15 matapos gamutan sa pneumonia
- 10 patay, 3 ‘missing’ sa landslide sa Sarangani
- 159 bahay ipinagkaloob ng DOTr sa mga apektado ng M’danao Railway project
