Arestado sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA) ang 45-anyos na lalaking Most Wanted Person na kabilang sa pumatay sa ABC President ng Bulacan at driver nito sa manhunt operation ng mga awtoridad sa Cavite nitong umaga ng Abril 10.
Sa ulat ni PMaj. Mark Anthony Tiongson, OIC ng Bulacan Provincial Intelligence Unit, ang 45-anyos na akusado pawang residente ng Brgy. Navotas West, Navotas City.
Ayon sa report, isinagawa ang operasyon ng tracker team ng PIU, katuwang ang mga tauhan ng 1st Provimcial Mobile Force Company, Malolos police station, RID 3, RSOG 3, RIU 3 at Kawit police station 11:00 ng umaga sa Brgy. Marulas, Kawit.
Nabatid na ang WOA sa dalawang bilang ng kasong murder inilabas ng Regional Trial Court, Branch 11, City of Malolos na walang inirekomendang piyansa.
Isa sa mga suspek ang akusado sa pagpatay kina Hon. Ramil Capistrano, ABC president ng Bulacan at sa kanyang driver na si Shedrick Torobio na naganap noong Oktubre 3, 2024 sa Brgy. Ligas, Malolos.
Sinasabing habang papalapit ang mga operatiba upang silbi ang WOA sa harap ng isang establisimento ay nakatunog ang akusado kaya sinubukang tumakas lulan ng Yamaha Mio Fino motorcycle subalit bumangga ito sa  Honda Civic na gamit ng mga operatiba kaya napigilan at tuluyang naaresto.
Agad ipinalaam sa akusado ang kanyang constitutional rights  at dinala sa tanggapan ng Bulacan PIU para sa dokumentasyon at wastong disposisyon.

Share.
Exit mobile version